Isang gabi sa Jeep

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang gabi, sumakay ako ng jeep pauwi sa aming bahay. Nagtataka ako dahil mula pagsakay ko hanggang sa kalagitnaan ng biyahe ay nakatitig sa akin ang lahat ng pasahero.


Walang umiimik, yung iba nagbubulungan pa habang nakatingin sa akin, parang pinag-uusapan nila ako. Baka iniisip nila na mag-1-2-3 ako, kaya sinubukan ko magbayad pero hindi nila inabot ang pera ko. Natakot na ko at kinilabutan.

Humarap sa akin ang katabi kong matanda, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa kin. Takot na takot ako, gusto ko nang bumaba kaso sobrang bilis ng andar ng sasakyan. Biglang bumulong si Lola.

"Hindi ka na dapat naparito, hijo... Umalis ka na habang kaya mo pa..."
Napalunok ako at nagsimula na kong pawisan nang malamig at tinanong ko, "ano hong ibig nyong sabihin?"

Sumagot si Lola...
"Inarkila namin toh! Sakay ka nang sakay eh, wala na ngang sign board, sumakay ka pa... Wow! Tindi mo eh..."

No comments:

Post a Comment