Nagsoli ng libro si Pedro

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Bad trip na pumunta si Pedro sa National Library para isoli ang hiniram niyang makapal na libro. Pagdating sa front desk ay agad siyang nagreklamo...

PEDRO: Miss, isosoli ko na itong napakakapal na aklat ninyo, walang kakwenta-kwenta!

LIBRARIAN: Paano nyo naman po nasabi?

PEDRO: Sobrang dami ng characters, natapos ko nang basahin lahat wala namang istorya. Nasayang lang ang oras ko dyan sa hiniram ko.


Inabot ni Pedro ang hawak niyang libro sa Librarian...

LIBRARIAN: Ay, Sir! Kayo pala kumuha ng Telephone Directory namin. Ilang araw na rin po ito hinahanap ng Boss namin, salamat po!

No comments:

Post a Comment