Pinauwi ng Pulis

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Dumalo sa isang Birthday Party si Juan at dahil nandoon ang buong barkada ay naparami ang kanyang nainom. Dahil may pasok pa kinaumagahan ay umuwi pa rin siya sa kanila maski lasing na lasing. Habang naglalakad sa kanto nila ay...

JUAN: (umupo sa bangketa dahil sa kalasingan) *hik*

POLICE OFFICER: Ah... Sir, bawal po tumambay diyan. Umuwi na po kayo, masyado na kayong lasing.

JUAN: Hindi ako lasing! *hik*

POLICE OFFICER: Naku, Sir! Amoy chico po kayo at nakita ko pong pagewang-gewang na kayo maglakad kanina.

JUAN: Ano ba? Hindi nga sabi, eh! *hik*

POLICE OFFICER: Lasing ka na talaga, Sir! Hindi mo ba ko nakikilala?

JUAN: Pulis ka! Alam ko, di ba? Kasi nga hindi ako lasing! *hik* Eh ako... *hik* Kilala mo ba ako?

POLICE OFFICER: Hindi po, Sir!

JUAN: Eh, ikaw pala ang lasing eh! *hik*

No comments:

Post a Comment