Sinayang lang ni Kuya

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang gabi at tahimik ang kapaligiran ay bigla na lang pinagtulungan ng buong pamilya si Kuya. Wala itong magawa kundi ang depensahan ang kanyang sarili mula sa kanyang pamilya.

TATAY: Wala kang kuwenta! Hindi ka talaga maaasahan!

NANAY: Ikaw pa naman inaasahan ng pamilyang toh!

ATE: Kaasar ka kuya! Wala kang tinulong..

BUNSO: Sinayang mo lang kuya ang tiwala namin sa yo...

Hindi na napigilan ni Kuya ang kanyang emotion kaya humagulgol ito sabay sambit...

KUYA: Grabe naman kayo magsalita, parang hindi ninyo ako kapatid at anak ah... Kasalanan ko ba kung ma-stun ako ng Vengeful na yun?! Tae!! Imba!! Sabi ko kasi "back kayo! back!" Kita niyo naman na lugi tayo sa clash na yun, pero hindi kayo nakinig! Tapos maiinis kayo at ako sisisihin niyo!

3 comments: