Wi-Fi sa Bahay

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagyaya kumain si Ryan sa barkada dahil mayroon siyang high tech na problema. Siya na lang ang kulang sa tropa pagdating niya sa restaurant kung saan sila nagpa-reserve.

MELCHOR: Pambihira ka, Ryan! Ikaw itong nagyaya, ikaw rin ang super late.

RYAN: Hehehe... sorry naman, naglakad lang ako galing sa office eh.

JEFF: Langya, halos tatlong LRT Stations ang katumbas ng nilakad mo!

MELCHOR: Bakit ka nga ba biglang manlilibre?

RYAN: Hoy! KKB tayo, alam nyo naman na nagtitipid ako.

JEFF: Alam naman namin, kaya nga tubig lang inorder namin.

MELCHOR: So, ano nga meron?

RYAN: Kasi bagong kabit yung internet namin sa bahay kahapon!

MELCHOR: Oh, ngayon?

RYAN: Nilagay kong pangalan nung WiFi ay, "I-hack mo kung kaya mo!"

MELCHOR: Tapos?

RYAN: Ayun, hindi ko na maaccess. Iba na rin ang pangalan...

MELCHOR: Ano na?

RYAN: "Challenge Accepted!"

No comments:

Post a Comment