Hindi mahanap ang kanta

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagkayayaan magvideoke ang barkada, si Juan na ang nakasalang para kumanta at naghahanap na siya ng kanyang aawitin. Makalipas ang 5 minuto ay hindi pa rin siya nakakahanap ng kakantahin...

PEDRO: Huuuy... tol! Ano na? Kakanta ka ba o mag-iinuman na lang tayo?

JUAN: Teka lang, bro! Hinahanap ko lang yung kanta...

PEDRO: Pambihira! Ilang minuto ka na naghahanap diyan... ano ba ang title niyang gusto mong kantahin?

JUAN: Dati Rati, bro...

PEDRO: Sino kumanta?

JUAN: Si Mr. Pure Energy bro. Si Gary V.

PEDRO: Eh kaya naman pala hindi mo makita, hindi naman yan ang title niyan! "Gaya ng Dati" ang i-search mo...


Pagkasearch ni Juan at nagplay yung minus one...

JUAN: Ah... ito nga yun, bro! Salamat ha... pinalitan na pala ang title? Hindi ako nasabihan eh...

No comments:

Post a Comment