Paano malalaman kung loyal si Misis?

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Lingguhan lang kung makauwi si Badong sa kanilang bahay sa probinsya dahil sa Maynila siya nakadestino para magtrabaho. Pagkauwi niya ay nakwento ng kanilang kapitbahay na si Tonying na madalas may lalaking bumibisita sa kanilang bahay.

TONYONG: Tol, kumusta ang byahe mo?

BADONG: Ayos naman, pre. Nakakapagod pero nawawala lahat ng iyon kapag nakikita ko na ang Misis ko at ang anak.

TONYONG: Nga pala tol, huwag kang magagalit ha, nag-aalala lang ako para sa iyo.

BADONG: Oh, bakit naman pre? Ikaw pa ba eh, parang kapatid na ang turing ko sa iyo dahil kababata kita.

TONYONG: Eh, kasi tol... madalas kong napapansin na may bisitang lalaki diyan sa inyo tuwing nasa school ang anak niyo.

BADONG: (kinabahan bigla) Ah... talaga ba, pre? Ah... eh... pansin ko din mabagal siyang magreply nitong mga nakaraang mga buwan.

TONYONG: Hindi naman sa nakikialam ako tol, pero mas maganda kung mag-usap na kayong mag-asawa.

BADONG: Salamat sa pag-aalala pre, pero kailangan ko muna mapatunayan ang mga nangyayari. Paano ko ba malalaman na hindi ako niloloko ni Misis?

TONYONG: Ganito gawin mo, tol... habang natutulog siya ay pasimplehan mong lagyan ng palay sa loob ng kwan ng asawa mo.

BADONG: Tapos?

TONYONG: Kapag naging ipa... ay alam na... may bumayo!

No comments:

Post a Comment