Paramihan ng Salita

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Habang nanonood ng isang documentary sa cable channel si Mister ay ibinida niya ang natutunan niya kay Misis...

JUAN: Honey, sabi sa pinanonood ko, kaming mga lalaki daw ay nakakabigkas ng halos 5,000 na "words" kada araw... tapos kayong mga babae naman daw, mahigit 15,000 o triple ng nagagawa namin.

NENE: Paanong hindi dadami ng ganoon, paulit-ulit kami kakasalita tapos hindi naman kayo nakikinig. Halimbawa, may ibibilin kami tapos pagdating nyo iba ang binili o ginawa nyo, nakaka-stress di ba? Subukan niyo kaya na kayo ang lumugar sa kinatatayuan namin? Mga pasaway kayong mga lalaki!

JUAN: Ha? Ano ulit, Hon? Nagtext kasi ako eh... Sorry...

No comments:

Post a Comment