Business sa Vacation

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Bakasyon na kaya naman bored na si Pedro. Habang nakangudngod siya sa kanyang cellphone ay may nakita siyang post tungkol sa pagpapayaman...

"Gusto mo bang yumaman at kumita ng kalahating milyon ngayong Summer Vacation mo maski nasa bahay ka lang? PM me for details."


Nagmamadaling nagsend ng Private Message si Pedro sa Fan Page na nakita niya.

PEDRO: Hello, nakita ko po yung post niya tungkol sa pagpapayaman, interested po ako. Open minded po ako. Mahilig po akong magkape. Masipag po ako maski nasa bahay lang. At higit sa lahat po business minded po ako.

ADMIN: Magandang araw po! Mainam po iyan. Tiyak po ang iyong pag-unlad kung wala kang arte sa buhay at willing kang gawin ang lahat.

PEDRO: Salamat po, ano po ba ang dapat kong gawin para kumita ng 500,000 pesos ngayong bakasyon?

ADMIN: Madali lang yan, magtinda ka ng 500,000 na pirasong Ice Tubig.

No comments:

Post a Comment