Bagong Business

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Dahil tinatamad na at gutom na gutom na ang magkabarkada, bumili na lang sila ng Lechon Manok sa tindahan sa kanto. Habang kumakain ay may naisip si Juan...

JUAN: Pare! May naisip ako na pwede nating gawing Business...

PEDRO: Talaga?

JUAN: Oo, pare! Halos kapareho nitong kinakain natin.

PEDRO: Naku, mukhang malaki ang puhunan diyan ah...

JUAN: Hindi, pare! Mura lang...

PEDRO: Sige nga, ano yang naisip mo?

JUAN: "Sauce 2 Go" ang pangalan!

PEDRO: Ha? Bakit sauce lang?

JUAN: Yung nga, pare!

Sauce 2 Go: Masarap kahit walang Manok!
Konting puhunan lang iyan pero sure na bebenta kasi may sauce ka na, may ulam ka pa!

PEDRO: Pare, sa iyo na lang yung parte ko sa Lechon Manok, kain ka pa ng marami. Gutom lang yan.

No comments:

Post a Comment