Pumunta kay Dok si Misis para humingi ng advice dahil sa maliit na anak niya. Madali lang naman daw solusyonan iyon, sabi ng kanyang nakausap na Doctor.
INA: Doc, napansin ko po maski nabinyagan na ang anak ko ay maliit ang kanyang pag-aari. Ano po ba ang dapat kong gawin?
DOC: Ah, madali lang po yan, Misis.
INA: Talaga po? Ano po ang dapat kong gawin?
DOC: Pakainin niyo po ng maraming pancake araw-araw.
INA: Ah... sige po... Salamat po, Doc!
Kinabukasan, habang nag-aagahan...
JUAN: Good morning po, Nay! Uy, ang daming pancakes nito ah...
INA: Sige kumain ka na, Anak. Pero tatlo lang ang kakainin mo, ha.
JUAN: Hala, bakit naman po?
INA: Yung matitira kasi, para sa Tatay mo. Alam mo naman na mahirap at nakakapagod ang trabaho niya...
No comments:
Post a Comment