Gutom galing Office

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Pagdating sa kanilang bahay ay gutom na gutom na si Juan. Hindi kasi siya nakapag mirienda sa office, kaya naman naghanap kaagad siya ng makakain pagkauwi.

JUAN: Honey, nandito na ko!

NENA: Welcome home, Hon... Mwah!

JUAN: May pagkain ba tayo dyan, Hon? Hindi pa kasi ako kumakain at gutom na gutom na ko.

NENA: Sige, magpalit ka muna ng pambahay at ipaghahain kita ng makakain mo.

JUAN: Thank you, Hon! Teka, ano pala ang ulam?

NENA: Nilaga.

JUAN: Wow! Ang sarap naman pala ng madadatnan kong hapunan mula sa toxic na trabaho. Tanggal ang stress ko nito at siguradong makakarami ako ng extra rice sa sarap ng luto mo Hon. Sige magpapalit na ako at sabik na kong matikman yang putahe mo.


Nagmadaling dumeretso sa kwarto si Juan para mag change outfit.

JUAN: Grabe, naglaway ako naman ako sa ulam namin. Siguro nilagang Baka yun? Pwede din na nilagang Manok o Baboy! Kahit ano pa yan, mag-eenjoy ako dahil pinagpaguran ng loves ko.


Pagdating sa lamesa...

JUAN: Ready na ko, Hon!

NENA: Heto na ang nilagang Itlog mo, Hon. Enjoy!

No comments:

Post a Comment