Nag-ahit si Mister para suave

Nag-ahit si mister para suave!



Tumakas si Mister sa kanilang bahay at dumalaw sa kanyang number 2 dahil monthsary nila at kailangan nila ng celebration.

KABET: Darling, pakishave naman yung bigote mo, hindi kasi bagay sa yo at nagmumukha kang matanda.

MISTER: Naku, hindi pwede, magagalit si Misis... baka mahalata tayo.

KABET: Sige na please, mas gusto ko na mukha kang fresh. Sige ka, hindi ka na makakaninja moves!

MISTER: Fine! Sige na nga, pero ikaw ang magshave ha. Ingatan mo, sensitive pa naman ang skin ko.


Pag-uwi ni Mister sa kanilang bahay ay hating gabi na, tulog na halos lahat ng tao. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto nila at at tinabihan ang nakahigang Misis. Naalimpungatan si Misis at hinimas ang bigote ni Mister na bagong ahit.

MISIS: Hoy Dodong, bakit ka nandito? Alam mo naman na darating na Mister ko, baka mahuli tayo! Bukas na lang pagpasok niya sa office.

1 comment:

  1. hahahhaha... hindi niya alam nah.. Mister niya pala yun hhha...

    ReplyDelete

Loading...