Tatay Tatlo Asawa

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Habang nakatambay sa ilalim ng puno ng manga ay nag-uusap ang dalawang Mister tungkol sa kanilang mga naging asawa...

TATAY 1: Pare, maikwento ko lang, tutal magkaibigan naman tayo... nakakatatlong asawa na ako.

TATAY 2: Oh, talaga? Bakit naman pare? Anong nangyari doon sa una?

TATAY 1: Naku pare... nalason, kakakain ng tuyo.

TATAY 2: Ang lungkot naman niyan, pare. Condolence ha. Eh... yung pangalawa?

TATAY 1: Nalason din kakakain ng tuyo.

TATAY 2: Aray, ano ba yan... Eh ung pangatlo, nalason din kaya namatay?

TATAY 1: Ah, hindi... pumutok yung ulo.

TATAY 2: Kawawa naman, nadisgrasya ba, naaksidente, bakit naman pumutok yung ulo niya?

TATAY 1: Ayaw kumain ng tuyo, eh!

No comments:

Post a Comment