Bilangin ang Pusa

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Turn na ni Juan para sumagot sa kanilang daily recitation sa class, kaya naman tumayo siya at tinanong na ng kanilang Teacher.

TEACHER: Kung bibigyan kita ng dalawang pusa tapos dadagdagan ko pa ng dalawang pusa tapos dadagdagan ko pa ulit ng dalawang pusa. Ilang pusa na ang meron ka?

JUAN: Pito!

TEACHER: Makinig kang mabuti, bibigyan kita ng dalawa, dadagdagan ko ng dalawa pa at dadagdagan ko pa ulit ng dalawa. Ilan na ang pusa mo?

JUAN: Pito ma'am..

TEACHER: Sige ganito baka nalilito ka lang eh, binigyan kita ng dalawang mansanas tapos bibigyan kita ulit ng dalawa pa, tapos  dagdagan ko pa ng dalawa ulit, ilan na ang mansanas na meron ka?

JUAN: Anim..

TEACHER: Good! ngayon, kung bibigyan kita ng dalawang pusa at dagdagan ko ng dalawa at magdagdagpa ulit ako ng dalawa pa. Ilan na ang pusa mo?

JUAN: Pito.

TEACHER: Pambihirang kang bata ka! Saan mo ba nakukuha ang pito na yan at bakit laging pito ang sagot mo?

JUAN: Eh, Ma'am may pusa na po ako eh, tapos bibigyan nyo ako ng anim, eh di PITO... Ma'am PITO!

No comments:

Post a Comment