Mga Bwisit sa Buhay

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Kahit gaano ka pa kabuti sa kapwa mo ay hindi natin maiiwasan na magkaroon ng bashers, critics o mga "bwisit" sa buhay.
Narito ang ilan sa mga madalas na nang-uubos ng pasensya ng mga Pinoy.

  1. Kilala ka lang at madalas mangumusta kapag may kailangan sa iyo
  2. Bestfriend ka kapag may pera ka, kahit saan sasamahan ka
  3. Kahit ilang beses mo na nabigyan, sinasabihan ka pa rin na "madamot" kapag wala kang naiabot
  4. Masama ang loob at galit na galit kapag hindi mo sila pinagbigyan 
  5. Hindi marunong magpasalamat kahit sobrang daming tulong na ang nagawa mo
  6. Inggit na inggit sa lahat ng bagay na meron ka, maliit man o malaki
  7. Nagtatago kapag siya na ang may blessings maski hindi ka naman manghihingi
  8. Mabait sa iyo at ipagmamalaki ka sa iba kapag may hihingin na favor
  9. Hindi natutuwa kapag nakikita ka nilang successful ka sa buhay, pilit kang hihilahin pababa
  10. Kaibigan ka daw pero kapag nakatalikod ka, todo ang paninira sa iyo at gagawan ka pa ng kwento para umangat sya

Ang mahalaga sa lahat at nakatulong tayo, pero huwag tayong magpapaabuso. Kung may alam ka pang "buwisit sa buhay" ay i-comment lamang sa baba. Salamat!

No comments:

Post a Comment