Ang ka-pen pal ni Pedro

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Sumulat ang ka-pen pal ni Pedro na taga United States of America, ang kaso mahina siya sa English kaya naman humingi siya ng tulong kay Juan.

PEDRO: Pare paki-translate naman tong liham galing kay Minerva, pen pal ko sa U.S. Hindi ko maintindihan, English kasi. Paki-translate sa Tagalog... eto ha, babasahin ko na.

JUAN: Okay pare, magaling ako diyan. Sige, basa!

PEDRO: "My dearest Pedro..."

JUAN: Oh, ikaw yun!

PEDRO: Oo ako yun! Haha! Eto pa... "How I long for your arms..."

JUAN: Paano daw humaba braso mo?

PEDRO: Ha? Hindi naman humahaba ang braso ko ah!

JUAN: Aba malay ko! Yun yung tanong eh.

PEDRO: "The first time I saw your picture, I felt happy..."

JUAN: Nilagare daw niya yung litrato mo, natuwa daw siya nung nilagare niya.

PEDRO: Hala.. bakit kaya? "You have beautiful eyes..."

JUAN: Pambabae daw yung mata mo... ayaw siguro sa pambabaeng mata kaya nilagare.

PEDRO: Eh, bakit kailangan pang lagariin? Pwede namang guntingin na lang. Ano ba yan?! "I lost your picture last week."

JUAN: Winala daw niya yung picture mo.

PEDRO: Sana sinauli na lang niya.. "But I felt glad when I saw it again."

JUAN: Natuwa daw siya nung nilagare niya ulit yung picture mo...

PEDRO: Akala ko ba nawala niya?

JUAN: Oo nga! Hindi ko din alam eh.

PEDRO: "Eventhough you wrote me in Filipino and I didn't understand your letter, I appreciate the thought."

JUAN: Kahit Pilipino ka daw at hindi siya marunong magbasa, natutuwa siya dahil nag-iisip ka.

PEDRO: Hindi siya marunong magbasa? Ano tingin niya sa mga Pilipino, hindi nag-iisip? Gaga pala siya eh!

No comments:

Post a Comment