Naiwan na Tourist

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Suma-sideline si Juan bilang isang Tour Guide sa kanilang probinsya para magkaroon ng extra income na pambayad sa mga gastusin sa bahay. Habang nagtratrabaho ay may isang pasaway na Tourist.

JUAN: ...at yan po ang mga naganap noong panahon ng mga Kastila. Okay po, move na po tayo sa next location.

NENA: (may sariling mundo at walang pakialam sa mga kasama niya) Ang ganda naman dito, teka... makapagselfie nga... sayang ang epic background, eh...


At dahil marami ang Turistang ineentertain ni Juan, hindi na niya naasikaso ang pasaway na si Nena.

NENA: Kuya, Kuya! Wait lang naman... Kuya! Huwag mo akong iwan...

JUAN: Naku, huwag paimportante, Ma'am! Tsaka sa dami ng nang-iwan sa iyo... hindi ka pa ba nasanay?

No comments:

Post a Comment