Eksena sa 7-Eleven

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang eksena ang nasaksihan ni Pedro sa 7-Eleven habang bumibili siya ng kanyang makakain... Hindi rin niya inaasahana ng kakaibang twist ng mga pangyayari.

PEDRO: Grabe kanina sa 7-Eleven habang bumibili ako ng ice cream, nadaanan ko yung isang Babae na parang hindi mapakali. Napansin ko nung bigla niyang nilagay sa bag niya yung isang bote ng shampoo.

JUAN: Oh, anong ginawa mo pare?

PEDRO: Siyempre ako, nagkukunwaring hindi siya nakita. Patay-malisya na lang at baka masabit pa sa gulo. Napansin ko din na tinitignan din pala siya ng Guard at kausap yung Kahero. Paglingon ko, nakita ko na naman yung Babae na may nilagay na dalawang bote ng softdrinks sa bag nya, tapos pasimpleng pumunta sa exit.

JUAN: Oh, tapos?

PEDRO: Hinarang sya nung Guard at nag-usap...

GUARD: Miss, paki-balik na lang yung mga kinuha mo para walang problema...

BABAE: Ano pinagsasasabi mo?

GUARD: Huwag ka na magmaang-maangan. Ibalik mo na lang lahat.

BABAE: Grabe ka na ha!


Nagtaas na ng boses yung Babae. Yung ibang mga customer sa loob, nakaabang kung anong mangyayari.

BABAE: Sige, kulitin mo pa ko at magsisisigaw ako dito!

GUARD: Sumigaw ka kung gusto mo. Ikaw naman mapapahiya.

BABAE: Wag mo kong pipilitin! Sisigaw talaga ko!

GUARD: Bahala ka.


At sumigaw nga ang Babae.

BABAE: DARNA!


At lumipad siya palabas store. Nagulantang lahat ng customers at staff sa loob. Tapos, sumigaw din yung Guard.

GUARD: CAPTAIN... BARBEL!

Lumipad din yung Guard at hinabol yung Babae.


Hanggang ngayon, wala pang balita kung ano nangyari sa kanilang dalawa.

No comments:

Post a Comment