Lola, basang-basa sa ulan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang gabing malakas ang ulan, may isang matandang babae ang nakasilong sa isang waiting shed. Isang babae ang nakakita dito at kinausap...

BABAE: Lola, kanina ko pa kayo nakikita diyan at basang-basa na po kayo ng ulan, saan po ba ang punta nyo at ihahatid ko nalang po kayo?

LOLA: Iniwan ako ng anak ko dito kanina, sabi babalik daw siya pero hanggang ngayon ay wala pa.

BABAE: Ah... ganun po ba? Sige po sasamahan ko nalang muna kayo. Hatinggabi na po kasi baka mapano pa kayo.

LOLA: Salamat, Ineng. Nagugutom na ako at pagod na.

BABAE: Ah, sige po. Maghahanap lang muna po ako ng pagkain.

LOLA: Sandali Ineng, may binigay na sulat sakin ang anak ko, hindi ko naman mabasa kase wala ako dalang salamin. Pakibasa nga...


Binasa ng babae ang sulat...

Kung sino man ang makakita sa nanay ko pakidala nalang po sya sa HOME FOR THE AGED, o kaya eh kayo nalang po bahala sa kanya kase hindi na namin sya kayang alagaan.



LOLA: Ano daw sabi sa sulat, Ineng?


Hindi umimik ang babae dahil naiyak siya sa kalagayan ng matanda

LOLA: Ineng, bakit ka umiiyak?

BABAE: (Napayakap sya sa MATANDA at napahagulhol ng iyak)

LOLA: 'Wag ka nang umiyak, Ineng. Tingin ka sa CAMERA... nasa WOW MALI ka! Hahaha!

No comments:

Post a Comment