Pumunta ang isang bata sa Barber Shop para magpagupit. Habang ginugupitan ay nagsimula magshare yung Barber tungkol sa kanyang personal opinions at views sa buhay-buhay. Syempre, may sagot ang young client.
BARBERO: Alam mo bata, hindi ako naniniwalang may Diyos.
BATA: Bakit naman po?
BARBERO: Kasi tingin ka sa labas, madaming tao na may problema. Kung may God e di sana inayos na nya lahat ng problems.
BATA: Ganun? Ako din hindi naniniwala na may Barbero.
BARBERO: Ha? Bakit naman?
BATA: Kasi tingin ka sa labas. Kung may Barbero, bakit madaming mahaba ang buhok?
BARBERO: Eh, hindi ko naman sila pwedeng gupitan kung ayaw nila.
BATA: Ganun din si Lord, hindi nya maaayos ang buhay natin kung ayaw natin lumapit sa kanya.
No comments:
Post a Comment