Malakas appeal ni Lolo

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Habang nakatambay sa harapan ng tindahan ni Aling Maliit ay nagpagalingan ng kani-kanilang mga Lolo ang tatlo...

BOSSING: Pare, ang tindi ng Lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit sobrang tanda na ng Lolo ko, kapag kumausap ng Babae yun, nakukuha pa niya yung number ng babaeng kinausap niya!

JOEY: Mahina yan, Pare sayo kinakausap pa? Mas matindi appeal ng Lolo ko, kasi yung Lolo ko... kikindatan at ngingitian lang, nakukuha na agad yung number nung Babae, pati address!

ALENG MALIIT: Ang hihina naman ng mga Lolo niyo! Yung Lolo ko, nananahimik, walang ginagawa pero siya na ang nilalapitan ng mga Babae. Binibigay pa sa kanya yung mga number!

BOSSING: Wow! Napakalakas ng appeal ng Lolo mo! Gwaping siguro, ano?

ALENG MALIIT: Hmmm... Hindi naman masyado... average looking nga lang, eh...

JOEY: Eh, bakit nilalapitan sya at binibigyan sya ng number ng mga babae?

ALENG MALIIT: Eh, nagloload ang Lolo ko eh! Papaload din ba kayo?

No comments:

Post a Comment