Nagtago sina Berting, Pedro at Juan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!


Hinahabol ng mga kalaban sina Berting, Pedro at Juan sa isang bundok. Para hindi sila makita at mahuli, nagtago muna sila sa nakita nilang kubo sa gitna ng gubat.

BERTING: Dito na lang ako sa puno ng manga magtatago at magpapanggap akong pusa.

PEDRO: Ako naman, dito sa drum magtatago, magpapanggap akong isang aso.

JUAN: Sige mga tol. Dito nalang ako sa sako... hmmm... alam ko na! Magpapanggap na lang akong isang patatas.

Dali-daling pumunta sa kani-kanilang pwesto ang tatlo...

KALABAN: Saan kaya nagtago yung tatlong lalaki? Nakita ko dito lang sila pumunta... baka nasa puno, teka titignan ko!

BERTING: Meow!

KALABAN: Ah, pusa lang pala! Teka titignan ko dito sa drum!

PEDRO: Grrr... Aw! Aw!

KALABAN: Ay! Aso lang pala. Dito kaya sa sako?

Walang tigil na pinagpapalo ng kalaban ang mga sako at hindi na nakapagpigil si Juan at nagsalita...

JUAN: Buset ka! Patatas nga ako eh, Patatas! Wala akong sounds! Baliw ka ba?

No comments:

Post a Comment