Ang Paghihiganti ng pusong bigo sa Pag-ibig

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang gabi, naglalakad ang isang Lalaki sa may tulay nang may makita siyang Babae na nasa gilid nito at nagtatangkang may gawing masama sa kanyang sarili.

"Huwag!" sigaw ng Lalaki at sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang Babae at siya’y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naisipan mong gawin yan?

Babae: Kasi, iniwan ako ng boyfriend ko't sumama sa ibang babae.

Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.

Babae: So, anong gagawin natin?

Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi…

Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.

Babae: Paanong paghihiganti ang nasa isip mo?

Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin… (sabay kindat sa babae na nakuha naman ni Babae ang ipinahiwatig na yon).

Maya-maya pa ay nasa bahay na sila na walang hagdan at nangyari na nga ang di dapat mangyari. Nang makaraos si Lalaki, nagsindi siya ng yosi.

Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae ng "Maghiganti uli tayo".

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni Babae. Nang makaraos uli, nagsindi uli si Lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi ay...

Babae: Maghiganti uli tayo...

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig, muling pinagbigyan niya si Babae. Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si Lalaki ng yosi. Unang hithit pa lang niya ay...

Babae: Tara, ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng Babae. Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang nang biglang…

Babae: Ganti uli tayo!

Lalaki: PARANG AWA MO NA! PATAWARIN NA LANG NATIN SILA!!!

No comments:

Post a Comment