Isang truck ng Penguin

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
Isang truck ng Penguin



Hinarang ng Policeman ang isang pick-up truck na may lamang mga Penguin... Dalawang magkasunod na araw na kasi itong pabalik-balik kaya nagtaka siya.

PULIS: Dalhin mo sa zoo ang mga penguin na yan, ngayon din!

DRIVER: Opo sir! Kinabukasan napansin ulit ng Police Officer ang pick-up truck na karga pa rin ang mga penguins at mga naka shades pa... Hinarang nya ulit ito...

PULIS: Hindi ba sabi ko kahapon na dalhin mo sa zoo yang mga penguins na yan!

DRIVER: Sir, dinala ko naman sila kahapon sa zoo. Tuwang-tuwa pa nga sila sa mga unggoy at natakot sa mga buwaya eh...

PULIS: Kung ganoon, saan mo sila dadalhin ngayon? At bakit mga naka shades pa yan?

DRIVER: Sa beach po sir, gusto daw nila mag swimming...

No comments:

Post a Comment