Mahusay si Dok

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Pumunta si Juan sa Doctor para sa isang check-up. Nagugulugan kasi siya sa kanyang nararamdaman.

JUAN: Dok may sakit po ako... Wala po akong malasahan...

DOK: Kapag hindi kita napagaling, ako pa mismo magbabayad sa iyo ha...

JUAN: Talaga, Doc?

DOK: Nurse! Yung bote paki-abot. Juan, inumin mo ito.

JUAN: (Ininom ang laman ng bottle) Ano to, ihi?

DOK: Ayan, may panlasa kana. Akin na ang bayad mo...


Makalipas ang 5 buwan...

JUAN: Doc, may sakit po ako... wala po akong maalala...

DOK: Nurse, yung bote please...

JUAN: Bakit yung ihi na naman?

DOK: Ayan! Magaling ka na.

No comments:

Post a Comment