Sundin si Doc

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Pagdating ni Doc sa kanyang Clinic ay napansin niyang may nakaupo sa harapan nito. Nang nilapitan niya ay, si Juan pala, ang kanyang suking pasyente.

DOK: Good morning, Juan! Ang aga mo naman yata masyado?

JUAN: Kasi po, Dok... galing pa po ako sa gimik at napasobra ang inom ko...

DOK: Ah... ganoon ba? Tara at pumasok na tayo sa loob ng clinic...

JUAN: Dok, bat ganon? Gusto kong masuka pero ayaw naman lumabas ng suka ko.

DOK: Subukan mong sundutin ang ngalangala mo.


Pagkatapos nya sinundot ang kanyang ngalangala...

JUAN: Dok, ayaw eh.

DOK: Subukan mo kamutin yung paa mo.


Pagkatapos nyang kamutin paa nya...

JUAN: Dok linoloko nyo naman ako eh, ayaw parin!

DOK: Ngayon subukan mo naman sundutin ang ngalangala mo.

No comments:

Post a Comment