Macho ka nga kaso...

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagkasalubong sa labas ng Gym ang magkaribal sa puso ni Nena at nag-asaran sila.

Batak sa pagbubuhat si Juan kaya naman inasar niya si Pedro dahil sa pangangatawan nito.

JUAN: Oy, tol! Ano ginagawa mo dito sa may gym? Magpapalaki ka na rin ba ng katawan katulad ko? Natatakot ka na ba na baka hindi ka piliin ni Nena dahil pangit ang katawan mo? Uwi ka na lang tol, hindi mo kakayanin dito sa gym dahil lampa ka.

PEDRO: Alam mo, tol... Macho ka nga... May 6 packs abs... Malaki ang braso... Malapad ang likod...

Kaso nga lang... payat ang binti mo at pandak ka... Ano yan, bulldog lang?

No comments:

Post a Comment