Ang Kapalit ng Singkwenta

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Humingi ng fifty pesos si Juan sa kanyang Mother, kaso ayaw siyang bigyan nito kaya umisip siya ng ibang paraan para pagbigyan siya sa kanyang kahilingan...

JUAN: Ma, pahingi naman po ng singkuwenta please...

NANAY: Ayoko nga!

JUAN: Sige ka, hindi ko po sasabihin sa inyo yung sinabi ni Papa kay Yaya Koring kaninang tulog ka pa...


Walang nagawa ang Nanay dahil gusto niyang malaman kung ano ang sinabi ng kanyang Mister sa kanilang kasambahay. Kumuha siya ng 100 pesos at ibinigay sa Anak...

NANAY: Ano ang sinabi ng magaling mong Papa sa Yaya Koring mo?

JUAN: Narinig ko po siya kanina, ang sabi niya...
Pambihira ka Koring, nagpe-facebook ka na naman! Subukan mo kayang magtanim ng Kamote sa ibabaw ng tukador, sobrang kapal na ng mga alikabok! Lintek ka...

No comments:

Post a Comment