Sinundo ni Kamatayan

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Madaming tinatapos sa work si Juan at may deadline sya sa mga projects niya the next day kaya naman hindi sya magkanda-ugaga.

Biglang sumulpot si Kamatayan sa kanyang tabi...

GRIM REAPER: Juan dela Cruz, Birthday: June 12, 1975... kukunin na kita ngayon...

JUAN: Ay! Kayo po pala Mr. Grim Reaper... huwag po muna ngayon, marami pa po akong gagawin at deadline po bukas. Baka po mapagalitan ako ng Boss ko.

GR: Hindi pwede iyon... ikaw ang una sa listahan ko ngayong araw sa aking mga susunduin.

JUAN: Ah... ganoon po ba? Mahihintay niyo po ba ako kasi kailangan ko pa po tapusin itong mga ito.

GR: Fine... sige hihintayin kita.

JUAN: Salamat po, sige po ipagtitimpla muna kita ng mainit na Coffee.

GR: Ayos yan, pakilagyan na lang ng brown sugar at low fat milk.

JUAN: Masusunod po.


Pagkatapos magtimpla ni Juan ay nilagyan niya ang Kape ng pampatulog. Ibinigay niya ito kay Kamatayan at natuwa sa lasa ng kanyang timpla.

Nang nakatulog na ang bisita ay binura ni Juan ang kanyang name at inilipat sa pinakahuling bahagi.

GM: Grabe, nakatulog ako sa sarap ng kape mo. Dahil sa hospitality mo kaibigan ay hindi muna kita kukunin.

JUAN: Talaga po?

GM: Oo, uunahin ko na lang muna yung nasa huli ng listahan. Ipagtimpla mo na lang ulit ako sa susunod ha.

No comments:

Post a Comment