Eksena ng Mag-Ama

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Ipalalabhan ng Tatay ang kanyang pantalon kaya naman inalis niya ang mga pera at iba pang bagay sa bulsa nito. Napansin niyang nawawala yung pera sa kanang bulsa ng pantalon niya kaya naman tinanong niya ang kanyang anak.

TATAY: Juan, kinuha mo ba yung pera sa bulsa ng pantalon ko?

JUAN: Ano po, Itay?

TATAY: (Nilakasan ang boses) Ang sabi ko, kinuha mo ba yung pera sa bulsa ng pantalon ko?

JUAN: Itay... sorry po, pero hindi ko po talaga marinig. Kung gusto mo po, magpalit muna tayo ng pwesto? Ako naman po ako magtatanong.

TATAY: Sige ba...


Nagpalit ng pwesto ang mag-ama at nagsimula ulit na mag-usap.

JUAN: Itay, sino po yung babaeng kasama mo kagabi?

TATAY: Ha? Anong sabi mo, Anak? Tama ka, hindi nga marinig dito.

No comments:

Post a Comment