Juan's Summer Vacation

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagbabakasyon si Juan sa isang Resort kaya naman sinulit niya ang stay niya rito. Habang nakahiga siya malapit sa Beach Shore ay may dumaan na Americano.

KANO: Hey, are you relaxing?

JUAN: No.


Umalis din kagad yung Kano, tapos maya-maya ay may dumating naman na Chinese.

CHINO: Hello, are you relaxing?

JUAN: I'm not relaxing.


Hindi rin nagtagal yung Chinese at bumalik sa room nya. Ilang sandali lang ay dumating naman ang isang Japanese.

HAPON: Hi... are you relaxing?

JUAN: Of course not.


Nabwisit na si Juan dahil sa mga taong tanong nang tanong sa kanya, kaya naisipan niyang maglakad-lakad sa may dalampasigan.

Nang makalayo na siya ay may nakita siyang Korean na nakahiga sa buhangin at nilapitan niya ito.

JUAN: Are you Relaxing?

TAE KWON DOH: Yes, I'm relaxing.

JUAN: Pambihira ka, ikaw pala si Relaxing. Kanina ka pa hinahanap nung mga kasama mo! Puntahan mo kaya sila, hindi yung ako ang ginagambala nila. Buset!

No comments:

Post a Comment