Napaaway sila Kuya at Bunso sa school, kaya naman pag-uwi nila ay napagalitan sila. Pero isa lang ang igaganti ni Tatay...
TATAY: Tara Kuya, gantihan natin yung kaaway mo!
BUNSO: Teka lang po Tay, bakit si Kuya lang po igaganti mo? Paano naman po ako? Hindi mo po ba ko mahal?
TATAY: Mahal kita anak at gusto rin kitang ipaghiganti!
BUNSO: Pero bakit si kuya lang po ang igaganti mo?
TATAY: Eh kasi anak, yung kaaway mo higante! Yung sa kuya mo, unano! Mas madaling resbakan.
No comments:
Post a Comment