Dragon at Cobra Tattoo

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Isang astigin at matapang na Preso ang nabigyan ng Parol. Sa huling araw ng kanyang pagiging inmate ay sinulit niya na ito kaya naisipan niyang magpalagay ng tattoo sa kanyang likod.

PEDRO: Pare, huling araw ko na dito sa loob ng . Gusto ko sana magpalagay ng tattoo bilang souvenir.

TATTOO ARTIST: Ah... ano ulit?


Ang hindi alam ng Preso ay mahina ang pandinig ng kanyang Tattoo Artist.

PEDRO: Sabi ko gusto ko sana magpalagay ng tattoo sa likod ko.

TATTOO ARTIST: Ah... ano ba ang ipapatattoo mo?

PEDRO: Lagyan mo ko ng "malaking dragon na may nakapalibot na mga cobra" ang likod ko.

TATTOO ARTIST: Sige, kayang-kaya yan!


Matapos ang isang masusing paggawa ng kanyang tattoo...

TATTOO ARTIST: Hay! Natapos din. Inom ka na lang ng Paracetamol kapag nilagnat ka.

PEDRO: Kaya yan, Pare! Maraming salamat sa talento mo. Bigyan din kita ng referrals na magpapalagay din ng tattoo. Katatakutan na ko panigurado ng mga tambay sa amin pagkaiuwi ko.


Kinabukasan, pagkalabas ng Preso ng kulungan ay excited na siyang umuwi sa kanila. Habang naglalakad siya sa isang eskinita ay naisipan niyang hubarin ang damit niya para ibalandra ang kanyang bagong tattoo.

Pero nagtataka siya dahil imbes na pangilagan siya ng mga tao ay parang walang nangyayari. Paglingon niya sa mga nakakita ng mga tattoo niya ay nakita niya ang mga ito na nagpipigil ng tawa.

Kaya pagdating niya sa bahay ay dali-dali niyang tinignan ang hitsura ng kanyang likod. Pagtingin niya sa salamin ay...

PEDRO: Anak ng... anong nangyari? Bakit naging "malaking talong na may nakapalibot na mga okra" ang nakatattoo sa akin? Pambihira!

No comments:

Post a Comment