![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9ZAIm2NV1lDwZ0vaLUzWrHVkgqqPnhN8cjMbCd0mj64byJ15bDGd9RIzIP4US_F4ZcTlLi6IFBkFJsTqASiqIJpGTwDVBVHpY9GKDdtVEPQDzndpdosYwx8zR0eL1PeAiYNIqXbuZ6zI/s1600-rw/rh-history-repeats-itself.jpg)
Habang nag-iinuman ang best friends na sila Jim at Ron ay napag-usapan nila ang kanilang mga asawa...
RON: Bakit pala bigla kang nagyaya ng inuman?
JIM: Eh, kasi naman, tol... yung Misis ko, nag-historical kanina!
RON: You mean, hysterical?
JIM: Hindi tol, "historical" talaga! Inungkat niya kasi lahat ng mga pagkakamali ko mula noong nagkakilala pa kami.
RON: Ay, wala yan sa Misis ko.
JIM: Bakit, nag-historical din?
RON: Naku, tol! Papasa na siya bilang History Teacher dahil sa dami ng nalalaman sa nakaraan.
JIM: Kawawa naman pala tayong pareho...
No comments:
Post a Comment