![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj3E1vw1Tl4wMfGX_QFuWCBDYKpxj5ReWhg8TKQTLE4VoOJfQ5WM_HUciLYN417b_EuRPTjAniamdSbQPZSja07hEds-z2sM2rUV2nAgfahr69tELc0Qd5Mpa1L-prcon0XPhC4XGdn5wg/s1600-rw/rh-bida-sa-reunion.jpg)
Usong-uso ang reunion tuwing may long weekend. Hindi talaga mawawala na kahit saang okasyon ay may mga taong malakas mang-agaw ng atensyon. Tulad nito... Habang nasa reunion ng magkakaklase nung High School, nilapitan ni Nena ang isa nilang kaklase na masyadong pasikat. Pasikat na siya noon pero nag-improve pa...
NENA: Antonia! Kumusta? Hindi ka pa rin nagbabago ha...
ANTONIA: Talaga ba? Maganda pa rin ba at sexy?
NENA: Hmmm... Alam mo, pwede mo nang palitan si Jollibee...
ANTONIA: Grabe, ganun na ba ako tumaba? Malaki na ba mukha ko?
NENA: Hindi, pabida ka kasi.
No comments:
Post a Comment