![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxe85Mfh1nGxtRVISCUNFZhZ1ibORAMV2vYW8qX1feWAqYC-JOXR7g6rR5MlpW3Br-9v7iu0iibXCGs3wy-NG859-NxBeIMuAo6crhbeaDpus0VxQ_hnzeEkQ79T-TrHEU02WhppSVyEE/s1600-rw/rh-bagong-business.jpg)
Dahil tinatamad na at gutom na gutom na ang magkabarkada, bumili na lang sila ng Lechon Manok sa tindahan sa kanto. Habang kumakain ay may naisip si Juan...
JUAN: Pare! May naisip ako na pwede nating gawing Business...
PEDRO: Talaga?
JUAN: Oo, pare! Halos kapareho nitong kinakain natin.
PEDRO: Naku, mukhang malaki ang puhunan diyan ah...
JUAN: Hindi, pare! Mura lang...
PEDRO: Sige nga, ano yang naisip mo?
JUAN: "Sauce 2 Go" ang pangalan!
PEDRO: Ha? Bakit sauce lang?
JUAN: Yung nga, pare!
Sauce 2 Go: Masarap kahit walang Manok!Konting puhunan lang iyan pero sure na bebenta kasi may sauce ka na, may ulam ka pa!
PEDRO: Pare, sa iyo na lang yung parte ko sa Lechon Manok, kain ka pa ng marami. Gutom lang yan.
No comments:
Post a Comment