![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjhdriBIWFE_vCBJTEGFNmfQ9HtSjFS_ItQJHfVzBHk0B4QteD4vBt_CLPTYRszbdz_0qIZ6W05NnwRu4omN0wbjUnrdvMtJJaMt2M77Br1fYIt1Ga52r4LiojMXuxyDYZD_1igohVzyGA/s1600-rw/rh-interview-tungkol-sa-kalabaw.jpg)
Isang araw, may isang Reporter na dumayo sa isang bukid para interviewhin ang isang Farmer na nag-aalaga ng mga hayop...
REPORTER: Sir, konting interview lang po tungkol sa mga kalabaw.
FARMER: Sige ba.
REPORTER: Saan niyo po sila pinaliliguan?
FARMER: Yung itim o yung puti?
REPORTER: Yung itim po.
FARMER: Ah, sa sapa.
REPORTER: Eh, yung puti po?
FARMER: Sa sapa rin.
REPORTER: (Tumaas ang kilay) Ah, ganun po ba? Ano pong pinakakain niyo sa kanila?
FARMER: Yung itim o ung puti?
REPORTER: Ah, yung puti po.
FARMER: Damo lang.
REPORTER: Eh, yung itim po?
FARMER: Damo lang din.
REPORTER: (Medyo nainis) Saan niyo po sila pinatutulog?
FARMER: Yung puti o yung itim?
REPORTER: Yung itim!
FARMER: Sa ilalim nung puno.
REPORTER: Eh, yung puti?
FARMER: Sa ilalim din nung puno.
REPORTER: (Asar na) Teka nga, bakit mo ba tinatanong kung yung itim o puti, eh... pareho lang naman ang sagot mo?
FARMER: Ah, ganito kasi yan... yung itim... sa akin kasi iyon.
REPORTER: Ah... eh, ung puti naman?
FARMER: Sa akin din!
No comments:
Post a Comment