
May masamang kutob si Mister kaya tinawagan niya ang kanyang Misis para manigurado. Pagdating niya sa bahay ay tinanong niya ang anak niya tungkol sa kanyang asawa.
MISTER: Asan ka ngayon?!
MISIS: Nasa bahay lang..
MISTER: Sige i-ON mo nga ang blender!
Pinaandar ni Misis ang blender. (Rrrrreeeerrrrrererrrrr)
MISTER: Okay! Akala ko umalis ka eh!
Maya-maya tumawag na naman si Mister...
MISTER: Asan ka?!
MISIS: Nasa bahay nga lang!
MISTER: I-ON mo ang blender!
Pinaandar ulit ni Misis ang blender. (Rrrrreeeerrrrr)
MISTER: Ganyan dapat para walang duda!
Umuwi si Mister nang walang pasabi. Nakita niya ang anak sa labas...
MISTER: Asan Mama mo?
ANAK: Ewan ko po kung saan pumunta... may dala-dala pa ngang blender eh.
No comments:
Post a Comment