
Isang bata ang naliligaw at dinala siya sa isang Police Headquarters para matulungan. Kinausap siya ng mga Police Officers para malaman kung saan siya nakatira.
PULIS: San ka nakatira Bata?
BATA: Sa Mommy at Daddy ko po!
PULIS: Eh, san nakatira ang Mommy at Daddy mo?
BATA: Samin po...
(Nainis na yung Police Officer)
PULIS: Eh, san banda yung bahay nyo?
BATA: Sa tabi po ng kapitbahay namin.
PULIS: Eh, san nakatira yung kapitbahay nyo?
BATA: Kapag sinabi ko naman po di kayo maniniwala eh.
PULIS: Maniniwala ako, sabihin mo na!
BATA: Sa tabi po ng house namin...
No comments:
Post a Comment