
Periodical Exam nila Jepoy sa school kaya naman dapat maipasa niya ito. Halos lahat silang magkakaklase ay nahirapan sa pagsusulit. Pagkauwi niya ay kinumusta siya ng kanyang Nanay.
JEPOY: Nandito na po ako, Nay! Mano po...
INA: Oh, anak! Ngayon yung Examination Day niyo di ba?
JEPOY: Opo, Nay! At may good news po ako...
INA: Aba, mukhang perfect ang scores ng anak ko ah... Magaling na bata talaga, naipasa ang lahat ng exam! Manang-mana ka talaga sa akin! Dahil diyan magpapaparty tayo dito bukas.
JEPOY: Nay naman... ang sabi ko po good news, hindi "himala"!
No comments:
Post a Comment