Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
₱0 minimun spend Claim now!
Umangal si Juan dahil may naamoy siyang hindi kaaya-aya sa loob ng elevator. Kaya naman inexplain sa kanya nung Clerk na may iba't-ibang uri ng masamang hangin.
JUAN: Pambihira naman, sa dinami-dami ng lugar na pwedeng pagsabugan, dito pa talaga sa loob ng elevator, oh! Buset.
ELEVATOR CLERK: Sir, alam niyo po ba na may apat na uri ng Ututin?
JUAN: Ah, talaga? Anu-ano naman iyong mga yun? Grabe, ang joho talaga... gumuguhit sa utak!
EC: Opo, Sir! Yung una po eh ang "mayabang".
JUAN: Bakit naging "mayabang"?
EC: Kasi po, Sir... malakas ang tunog. Wala rin siyang pakialam kung naamoy at narinig ng lahat ng nakapaligid sa kaniya.
JUAN: Ah... para bang proud pa sya? Eh, ano naman yung pangalawa?
EC: Mahiyain po... Uutot ng mahina pero obvious tapos magso-sorry at ngingiti lang.
JUAN: Sabagay, sakto sa tawag sa kanya. Ano naman yung pangatlo?
EC: "Mapagkunwari" naman po ang tawag sa pangatlo. Walang tunog pero matindi ang amoy. Tapos magpapanggap na inosente at magbibintang ng ibang tao.
JUAN: Naku, delikado pala iyang pangatlo! Ano naman yung panghuli?
EC: Ah... eh... yung pang-apat po, eh parang ako.
JUAN: Huh? Bakit naging parang ikaw?
EC: Isa po akong "malas". Kasi po sinubukan ko po kaninang magpalabas ng hangin, pero iba po ang lumabas. Nga pala, Sir... lumagpas na po kayo sa floor niyo. Una na po muna akong lumabas, medyo malagkit na po, eh. Tsk... malas talaga!
No comments:
Post a Comment