Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
₱0 minimun spend Claim now!
Matapos mangisda ni Juan buong araw ay sinalubong siya ng kanyang anak na si Pepe sa may dalampasigan. Tinanong ng Anak kung marami ba nahuling isda ang kanyang Tatay. Nagtataka yung bata dahil walang pating na nahuli kaya inusisa niya ang kanyang Ama.
PEPE: Itay! Marami po ba kayong nahuling isda?
JUAN: Aba, oo Anak! Ayan, tignan mo sa banyera... punong-puno, may natira pa sa lambat natin.
PEPE: Wow! Ang galing mo po talaga manghuli, Itay! Eh, bakit wala pong Pating?
JUAN: Mabangis ang Pating, Anak. Mahirap at delikadong hulihin yun at ipinagbabawal din ng batas.
PEPE: Weh... Eh, bakit si Inay po kanina, may nahuli silang Pating. Narinig ko nga po sila sa bahay ni Mang Eddie.
JUAN: Ha? Bakit, anong sabi?
PEPE: Sabi po ni Inay,
"Grabe, ang laki ng pating mo Eddie! Magkasya kaya sa lambat ko yan?"Tapos sabi naman po ni Mang Eddie,
"Pagkakasyahin natin. Humanda ka na, ipapasok na natin ang nanggagalit na pating sa lambat!"JUAN: Anak ng Pating!!
PEPE: Teka lang po Itay, hindi pa po tapos! Tama ka nga po 'Tay... mahirap hulihin ang pating kasi nakailang labas sa lambat.
Sabi pa ni Inay,
"Nagwawala ang pating mo. Ipasok mo na ulit sa lambat Eddie! Dalian mo!"Pero, tama ka rin 'Tay na mabangis ang pating kasi narinig ko yung ipit na sigaw ni Inay tsaka medyo may ungol pa nga si Mang Eddie dahil sa mahirap na paghuli nung pating. Nahirapan talaga sila 'Tay, buti na lang nung huli nanghina na yung pating kasi sabi ni Mang Eddie,
"Nanlata na ang pating. Napagod masyado."Kaso may mali ka rin 'Tay kasi hindi nakakapatay ang pating kasi sabi pa ni Inay,
"Grabe yung pating mo, binigyang buhay ang buong katawan ko. Woooh!"JUAN: Nak! Tara, uwi na tayo.
PEPE: Bakit po?
JUAN: May tatahiin tayong lambat at may ibo-boneless tayong pating!
No comments:
Post a Comment