Gustong makipagbreak ni Maria

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Dumating na rin kayo sa punto na gusto niyo ng "space"? Nag-date ang magkasintahan na sina Juan at Maria, kaso parang hindi excited si babae na makita ang kanyang boyfriend.

JUAN: Oh, Hon... bakit parang hindi ka masaya na nagkita tayo?

MARIA: Hon, I need some space...


Dali-daling umusog palayo si Juan, mga 1 inch.

JUAN: Ayan, OK na ba yan, Honey?

MARIA: Hay... Ibang space ang tinutukoy ko...


Binaklas ni Juan ang Space Bar sa kanyang laptop at binigay sa kanyang kasintahan...

JUAN: Oh, ayan... mas solid na space...

MARIA: Tsk... I mean, maghiwalay na muna tayo...

JUAN: Ah, ganoon ba? Sige, dito ka sa kaliwa dumaan... sa kanan naman ako, para siguradong hiwalay tayo...

MARIA: Arghhh... ano ba? Seryoso ako!

JUAN: Anong ano ba? Seryoso din naman ako...

MARIA: Ayaw sa iyo ng Tatay ko!

JUAN: Mas lalo naman ako, hindi ako napatol sa kapwa lalaki! Ikaw ang gusto ko, hindi ang Tatay mo.

MARIA: Break na kasi tayo!

JUAN: Ah... sige lang, saan mo ba gusto? Doon sa karinderya sa kanto niyo o dun sa tambayan natin?

MARIA: Grrr... Nakakabwisit ka na! Huwag na nga lang...

JUAN: So sweet... I love you, Hon!

No comments:

Post a Comment