Maagang nakauwi ng bahay si Itay galing sa kanyang work... Sobrang pagod niya dahil busy sa opisina at hindi pa siya nakapagmirienda kaya gutom na gutom na siya.
ITAY: Nay, nakadating na ako. Ano ang ulam natin?
INAY: (Nagkiss sa kanyang Mister) Tay, welcome home... tignan mo na lang sa lamesa, mamili ka na lang...
ITAY: (Niyakap at nagkiss din kay Misis) Sige, Nay.
Gutom na at excited si Itay na kumain at mamili ng ulam...
ITAY: Nay naman! Isang tuyo lang nandito, ano ang sinasabi mo na pagpipilian dito?
INAY: Ah... mamili ka kung kakain ka or hindi. Ikaw na bahala kung ipagpapalipas mo iyang gutom mo, Tay!
Kinabukasan, pagkagising nila ay gutom na gutom si Bunso kaso...
ITAY: Nak, pasensya na ha... wala pang pera sa Itay mo, hindi pa tayo makakain ng masarap...
ANAK: Naiintindihan ko naman po, Tay. Hindi naman po ako nagagalit. Mahal ko po kayong ni Nay...
ITAY: Alam ko na! May naisip ako na pwede natin gawin para makatikim ng masasarap na pagkain. Sa bawat subo ng kanin, iisip tayo ng paborito natin at mamahalin na mga ulam!
ANAK: Sige po, Tay! Ako na po mauuna, sa kin po ay Menudo, hmmmmmm... sarap.
INAY: Aba... masarap nga yan Bunso, sa kin naman ay Pininyahang Manok! Hmmmmm... sarap talaga, the best!
ITAY: Naku naman, pang fiesta yang mga naisip nyo ah! Heto naman ang sa akin, Lechon Paksiw!
Nagalit si Nanay at pinalo si Tatay...
ITAY: Aray naman! Oh, bakit naman, Nay?
INAY: Eh, ang gastos mo sa Gas!
ITAY: Ha? Bakit naman ako naging magastos?
INAY: Akalain mong nagluto ka ng Lechon tapos Pinaksiw mo pa! Hmp...
No comments:
Post a Comment