Hindi pwedeng ikasal

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Nagkwentuhan ang magkaibigan at ang topic nila ay ang mga taong hindi pwedeng ikasal. Alam niyo ba na hindi pwedeng ikasal sina...

JUAN: Astig talaga ng istorya ng "Alyas Probinsyano" di ba, pare? Pero maiba muna tayo. Tingin ko pare hindi pwedeng maging mag-asawa sina Sam Pinto at si Sam Milby.

PEDRO: Bakit mo naman nasabi, pare?

JUAN: Kasi pare, kapag kinasal sila, parehas na silang magiging Sam Milby. Nakakalito!

PEDRO: May punto ka, pare!

JUAN: Tapos ganun din sila Sue Ramirez si Charlie Puth.

PEDRO: Bakit naman?

JUAN: Kasi pare, magiging Sue Puth ang pangalan niya.

PEDRO: Medyo weird nga pakinggan, pare.

JUAN: Eh... yung tungkol kay Paolo Contis at Beauty Gonzalez, alam mo ba?

PEDRO: Hindi, eh... bakit?

JUAN: Kasi kapag kinasal sila, magiging Beauty Contis si Misis.

PEDRO: Tama. Pero wala yan kila Beth Tamayo at Mark Logan.

JUAN: Oo pre... baka maging itlog ang mga anak nila.

No comments:

Post a Comment