Ang Dog at ang Apple

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Tinatawag ng Guro si Pedro para sa isang graded recitation sa Mathematics... Pinapabilang kay Pedro kung ilan lahat ng aso na ibibigay sa kanya.

TEACHER: Kung bibigyan kita ng dalawang Dog tapos dadagdagan ko pa ng dalawang Dog at dadagdagan ko pa ulit ng dalawa pang Dog. Ilang Dog na ang nasa iyo?

PEDRO: Seven po!

TEACHER: Ha? Teka... Makinig kang mabuti ha... Ulitin natin. Bibigyan kita ng dalawang Dog, dadagdagan ko ng dalawa pa at dadagdagan ko pa ulit ng dalawa. Ilan na ang Dog mo?

PEDRO: Seven nga po Ma'am...

TEACHER: Hmmm... Sige ganito, baka nalilito ka lang eh. Binigyan kita ng dalawang Apple tapos bibigyan kita ng dalawa pa. Tapos dagdagan ko pa ng dalawa ulit, ilan na ang Apple na meron ka?

PEDRO: Six po...

TEACHER: Very Good! Ngayon, ibalik natin yung kanina. Kung bibigyan kita ng dalawang Dog at dagdagan ko ng dalawa at magdagdag pa ulit ako ng dalawa pa. Ilan na ang Dog mo?

PEDRO: Seven po talaga...

TEACHER: Inuubos mo ang pasensya ko, bata ka! Saan mo ba nakuha ang Seven na yan at laging Seven ang sagot mo?

PEDRO: Eh, Ma'am may Dog na po ako ehhh, tapos bibigyan niyo pa ako ng anim, eh di Seven na po. Ma'am, pito!

No comments:

Post a Comment