
Nakarating ang balita sa Nanay na nahihirapan daw sa school ang kanyang Anak. Nung kinausap niya ito ay itinuro naman ng kanyang Anak ang Tatay nito.
NANAY: Anak, sabi ng guro mo sobrang hina mo daw sa eskwela? 1 to 10 lang, hindi mo daw mabilang nang maayos.
ANAK: Mas malala naman po si Tatay...
NANAY: At bakit nasali sa usapan ang Tatay mo?
ANAK: Narinig ko kasi sya kagabi habang kausap niya si Inday, ang sabi nya...
"Tama na muna Inday, hanggang 3 lang talaga ang kaya ko..."
No comments:
Post a Comment