Buhay pa sana ang Dalawang Kaluluwa

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
Buhay pa sana ang dalawang kaluluwa



Nag-usap ang dalawang kaluluwang nagkasalubong sa purgatoryo. Pinagkwentuhan nila kung ano ang kinahantungan ng kanilang mga buhay.

KALULUWA 1: Anong ikinamatay mo?

KALULUWA 2: Nakulong ako sa freezer... Ikaw?

KALULUWA 1: Nadulas at nabagok ulo ko sa hagdan...

KALULUWA 2: Ha? Paano nangyari yun?

KALULUWA 1: Nakita ko kasing hubo't hubad ang asawa ko sa kwarto at may boses ng babae akong narinig... Hinanap ko hanggang mapunta ko sa basement ng bahay namin, ayun... nung pababa na ko, nadulas ako...

KALULUWA 2: Sayang... Kung nakita mo pala ko sa loob ng freezer baka hanggang ngayon buhay pa tayo...

1 comment: