Lasheng ka na Pare

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
Laseng ka na Pare



Nagkasarapan sa inuman ang dalawang Lalaki, halos pareho daw sila ng daan pauwi kaya nagsabay na sila. Nang may matapatan sila na isang bahay ay nagtalo ang dalawa kung sino ang nakatira doon.

LASING 1: Sige pre dito na bahay ko...

LASING 2: Tanga, bahay ko yan pre...

LASING 1: Lasing ka na pre! Hindi mo ba nakikita na bahay ko ito?

LASING 2: Hik! Bobo ka ba? Bahay ko nga ito...


Nagkakapikunan na ang dalawang lasing kaya nagkakatulakan na sila...

LASING 1: Ano ba? Mabuti pa kumatok tayo nang malaman kung sino ang tama...

LASING 2: Oh sige... Hik! Nang mapahiya ka...


Sabay silang kumatok nang malakas sa pintuan ng bahay na pinagtatalunan nila...

BABAE: Walang hiya! Lasing na naman kayong mag-ama! Mga buset!!!

No comments:

Post a Comment